taluhan
2005
Tiningnan kita. Nakatitig ka lang din sakin. Ilang minuto na rin na hindi tayo nagsasalita. May dumaan na isang klasmeyt sa harap natin. Dahil kay klasmeyt na dumaan (o dahil sa naramdaman mo na nakakailang na ang katahimikan nating dalawa), nagsalita ka na. Actually, nagtanong ka na, “O sino ba kasi talaga yung crush mo? Sabihin mo na kasi. Ilalakad kita! Dali!” Tahimik pa din ako. Syempre, di ko sasagutin tanong mo kasi hindi pwede. Hindi mo pwedeng malaman kung sino ang crush ko, actually di ko yun crush, mahal ko na yung taong yun. “O ano na? Sino na kasi? Si Mon ba? Joel? Chris? Patrick?” “Hindi, hindi… wala sa kanila.” Hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo. Labag yun sa rule number 1 ng barkada natin. Diba, bawal nga ang taluhan sa barkada natin?! So, hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo. “James? Carlo? Nasabi ko na lahat ng pangalan ng klasmeyts natin ah.. Baka naman.. sa barkada natin?! Si Mark?” “Hindi si Mark.” Ang kulit mo! Hindi nga pwedeng sabihin. Hindi. Hindi. “Si Kaloy???!” “Hindi rin si Kaloy!” “Hindi si Mark, hindi rin si Kaloy… ako????!!”
“OO, ikaw…” Napayuko na lang ako sa desk matapos ko banggitin ang dalawang salitang yan. Alam ko, mali. Hindi pwede. Pero, ang hirap ng itago ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Kelangan ko ng sabihin sayo. Hindi ko namalayan, nabasa na pala ang desk ng luha ko. Hindi ko na na-kontrol ang damdamin ko. Parang gusto ko na lang na yumuko habang buhay. Wala na kong mukhang ihaharap sa barkada natin. At lalong-lalo na sayo.
Sa gitna ng pagtulo ng mga luha ko, naramdaman ko ang mga bisig mo na yumakap sakin habang nakayuko ako. At may binulong ka sakin: “Hindi pwede. Hindi pwede ang taluhan sa barkada.” Ouch. Ang sakit.
2008
Tiningnan kita. Nakatitig ka lang din sakin. Ilang minuto na rin na hindi tayo nagsasalita. Hindi tayo nag-uusap. Mga mata lang natin ang nag-uusap. Kakaiba na ang katahimikan natin. Matapos ang ilang segundo, nagsalita ka na din. “Hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari sating dalawa at sa barkada natin. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay ko bilang isang kaibigan at bilang isang taong magmamahal sakin ng totoo, taong mamahalin ko din naman ng buong-buo .” Wala kong nasabi, niyakap na lang kita. Niyakap mo din naman ako. Kilig. Ang saya! Kakaibang saya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
sumali na din ako sa pakontest ni noemi.. last day na to, sana makahabol pa ang entry ko..
aaawwww… kinikilig ako..
kinikilig ako…
basta… kinikilig akoooo. nyahaha. kainggit!
Lingling: yihee!! kinikilig siya!!!
Comment by camilleeee — February 22, 2008 @ 7:58 pm
aysus! yun naman pala eh….sabi nya “Hindi pwede ang taluhan sa barkada”…meaning pareho kau ng nararamdaman…teka, tama ba pagkakainterpret ko?….lolz!!
kaya pala nakakarelate ka dun sa post ko ha…lolz ulit!
Lingling: tama ang iyong interpretation! hehe!
Comment by randomdemeanor — February 22, 2008 @ 8:25 pm
Okey lng nman ung taluhan minsan! Sa palagay ko… Hehe! kung kayo ba nmn ni … ang magkakatuluyan. Y not?!
Lingling: salamat besprend!!!
Comment by ChingChing — February 22, 2008 @ 9:14 pm
[...] 40. Lingling- Taluhan [...]
Pingback by Love Struck Writing Contest » A Filipina Mother's Recovery Notes » — February 22, 2008 @ 11:23 pm
ay sus. kakalilig naman. kaya lang nakakabitin din.
hays ganyang ganyan ako nung grade 2, bwhaahahaha
Lingling: iba talaga ang level mo! hehehe! grade 2 ka ganyan??!! grabe!! hehehe
Comment by cliogoddess — February 23, 2008 @ 4:40 am
huwaw! naramdaman ko yung sweetness..hahaha *kilig ba ang tawag dito?*
grabe, ang haba ng hair mo ah..hahahaha!
sana magmahalan din kayo ng bonggang-bongga!
Lingling: oo, yun daw tawag dun.. salamat sa bonggang-bonggang mensahe mo!
Comment by Jeckass — February 23, 2008 @ 8:59 am
pwedeng gawin plot ng pelikula ha. hehe. seriously, oks lang yan, if it happens - it happens, you can’t control it
Lingling: salamat sa words of wisdom! naks! hehe
Comment by madbong23 — February 23, 2008 @ 12:37 pm
kinikilig angvmga bulate ko sa tyan…hahahhahh
oi mare vote mo naman ako sa http://salaswildthoughts.blogspot.com/ kunyari filipino blog of the week
salamat
Lingling: sure, vote kita..
Comment by Geisha — February 23, 2008 @ 4:35 pm
wow! totoo ito??!! ang saya naman…weeehheeee
Lingling: yup! totoo yan!! kakikilig talaga… hehe!
Comment by wei vines — February 23, 2008 @ 7:02 pm
“Hindi pwede. Hindi pwede ang taluhan sa barkada.”
saang rulebook nakasulat ito? hmm.
kasweet naman oh!
Lingling: Sa rulebook ng barkadahan namin. Pero wala na, burado na yan ngayon! hahaha! Binura namin ni ES!
Comment by joice — February 23, 2008 @ 8:03 pm
sikat ka pala, lingling!!!
Lingling: uy! hindi ako sikat, sinong nagsabi niyan sayo?? hehehe!! salamat sa pagdaan dito..
Comment by madre gras — February 23, 2008 @ 9:16 pm
mare may idadagdag pa akong kriminal dun! mabigat din ang kaso!
katuwaan lang!
Lingling: oo nga eh, ang bigat talaga ng kaso nun! hahahahahaha!!! wag mong pakulong ha…
Comment by Geisha — February 24, 2008 @ 12:57 am
[...] Joaquin- Second Time Around 38. Vylette- Harana 39. Cherry Mae- sAkit nA dULot nYa.. 40. Lingling- Taluhan 41. Andrea- the story of us 42. Woobie- Friendship Driven Love Affair 43. Eliza- Book Perfect 44. [...]
Pingback by Two Year Blog Anniversary & LoveStruck Winners » A Filipina Mother's Recovery Notes » — February 24, 2008 @ 11:42 am
ang pag-ibig nga naman talaga oo. sayang di nanalo pre. pero ok pa rin ang pagkasulat mo sa experience mo. ang husay.
Lingling: salamat! yung judge pala nung pakontest ni ate noemi ay di masyadong nakakaintindi ng tagalog, e tagalog yung entry ko.. hehe!
Comment by Calvin — February 25, 2008 @ 9:49 am